Tuesday, March 9, 2010

Introduction

Ako si Cris. Magandang lalake ako, depende sa lighting. Kapag maaraw hindi, kapag makulimlim pwede na. Kapag lamp shade o kaya kandila, yun medyo na. Kapag kaka black out lang o kaya nakapatay yung ilaw pogi na. Kaya kapag kasama mo ako, huwag kang magsusuot ng shades kasi mapepeke ka. Pogi rin ako depende sa brigthness, color, hue, tint, contrast at sa ganda ng pagkakastamp sa mukha ko, Photoshop. Ang pinakamagandang view ko back view o kaya top view. Kaya karamihan ng picture ko ganun ang posing ko. Habulin din ako, habulin ng taga. Marami din nagkakandarapa sa akin. Nagkakandarapang bugbugin ako.